Di na ko Makahinga
lundi, novembre 07, 2005
Nakakakaba.
Nababaliw na ako sa paghihintay.
Gaano pa ba katagal?
Gusto ko nang malaman
Ok ba o hindi?
Magsasaya ba ako o iiyak?
Ano ba?
Bilisan mo na!
Nauubusan na ko ng luha.
Bumabalik na naman ang mga alaala
Ang mga pagkakamaling nagawa
Kung sana iba ang ginawa ko
Magkakaganito ba ako?
Ano ba?
Bilisan mo na!
Nag-iisip ako nang paraan
para di kita isipin
Pero wala talaga
Para akong nasa bilangguan
Nag-aantay sa araw ng paghuhusga.