Pag-Alis
Barbie Almalbis
Kung wala ka nang gustong sabihin
Wag ka nang tumingin ng ganyan
Kung bukas, ako’y kalilimutan
Sana naman ngayo’y di mo na isipin ako’y tawagan
At habang may panahon,
Wag na nating hintayin
Lumalim pa
At masakit nang tanggapin
Ang pag-alis ng iyong liwanag
Na gumising sa mahabang gabi
Ika’y langit ngunit baka masanay
At di kayanin ang iyong pag-alis
Kung wala ka nang gustong marinig
Ako’y aalis at manahimik
Ang kahapon na nais kong limutin
Sana naman huwag nang manumbalik at bigyang pansin
At habang may panahon,
Wag na nating hintayin
Lumalim pa
At masakit nang tanggapin
Ang pag-alis ng iyong liwanag
Na gumising sa mahabang gabi
Ika’y langit ngunit baka masanay
At di kayanin ang iyong pag-alis
I just love this song. Sabi nga ni Ces, bittersweet.